Zeinab nalantad pangmamaliit kina Alex, Robi
Matindi ang naging expose ni Wilbert Tolentino nang ilabas ang mga screenshot ng naging pag-uusap nila ni Zeinab Harake.
Sa video ni Wilbert na ‘Ang Rebelasyon’, makikita kung ano ang tingin ni Zeinab sa ilang top celebrity tulad nina Ivana Alawi, Alex Gonzaga at Robi Domingo.
Kay Ivana, may nabanggit si Zeinab na ‘may mataas daw na ihi’.
Isa pa sa patama ni Zeinab ay mas malakas pa daw siya kaysa kay Alex G.
“Kinukuha natin alex g 500 wla pa sa hulog kausap sa promotion eh same same naman kami malakas pako,” hirit ni Zeinab habang kausap si Wilbert.
Isa pa ay sinabi ni Zeinab na huwag daw kunin si Robi Domingo dahil ‘walang market’.
“Wag ung robi domingo ha. walang market dun maloka ka dun shhh lang,” sambit ni Zeinab.
Sa video naman ni Zeinab, sinabi nito na humingi na siya ng sorry kina Ivana, Alex at maging kay Robi dahil sa mga nasabi niya.
“Wala akong hinihiling sa ibang tao na nadamay kundi pasensiya na kasi marunong akong humingi ng pasensya. Again, sa mga artists, pasensiya na,” lahad niya.

Comments
Post a Comment