Isang lola, patuloy ang pagtitinda ng mais umulan man o umaraw
Halos araw-araw ay may nasasaksihan tayong mabubuting gawa at balita sa social media. Ang ilan naman ay mga nakakaantig na kwento at pagsubok ng kanilang buhay. Katulad na lamang ng isang matandang babae na patuloy ang paghahanap-buhay sa ilalim ng mainit na araw at hindi maiiwasang pag-ulan sa araw-araw. Sa kabila ng kanyang edad ay patuloy pa rin ang pagkayod ng matanda para sa kaniyang sarili at pamilya. Sa Facebook post ng netizen na si MicacArl Barde, ibinahagi nito ang larawan ng isang matandang babae nagtitinda ng mais at nilagyan ng caption na, “Umulan umaraw nag titinda padin c nanay. Sana po bilhan po niyo siya pag makikita niyo. Masayang masaya na po siya. Sana po may tumulong po sa kaniya.” Umani naman ng papuri at paghanga mula sa mga netizens ang matandang babae dahil sa kanyang sipag at dedikasyon sa paghahanap-buhay. Ngunit marami rin sa kanila ang nag-aalala sa kalagayan ng kalusugan at seguridad ng matandang babae. Sa edad kasi ni lolo ay dapat nag-eenjoy o nagpa...